TOKYO (AP) – Nagdaos ang mga eksperto sa binuong panel ng gobyerno ng unang pagpupulong nitong Lunes para pag-aralan kung paano pagbibigyan ang kagustuhan ni Emperor Akihito na bumaba sa trono.
Magiging malaking pagbabago sa sistema ng Japan ang pahintulutan si Akihito na bumaba sa trono. Nagtaas ito ng maraming legal at logistical na katanungan, mula sa mga batas na dapat baguhin hanggang sa papel ng emperador matapos siyang bumaba sa trono, ano ang kanyang magiging titulo at saan siya titira.
Nagpahiwatig si Akihito, 82, ng kagustuhan niyang umalis sa trono sa isang video message sa publiko noong Agosto, binanggit niya ang kanyang edad at humihinang pangangatawan.