Asahan na ang Mapua Red Robins ngayon pa lamang na magiging paborito na itala ang back-to-back na panalo sa susunod na NCAA season.

Ilang sandali matapos pataubin ang Cubs, 84-67, noong Biyerne sa matira-matibay na Game Three ay inamin ni Mapua coach Randy Alcantara na malakas pa rin ang kanilang koponan para masungkit ng ikalawang sunod na titulo sa sunod na taon dahil sa kumpleto ang miyembro ng champion team.

“We’re only losing three players this year so we’ll have a good chance of repeating next year,” sabi ni Alcantara patungkol kay Sherwin Concepcion, Jasper Salenga at Bryan Semudio, na kinumpleto ang kanilang huling taon ng paglalaro.

Nakapag-adjust na ang Robins sa pagkawala ni Concepcion, na nagtamo ng season-ending shoulder injury sa huling yugto ng ikalawang round ng eliminasyon habang kailangan nitong punuan ang mababakante nina Salenga at Samudio, na tinanghal na finals MVP.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Samudio, Salenga and Concepcion are big losses to the team but I’m confident we can find ways of filling those holes,” sabi ni Alcantara.

Inaasahan na magbabalik sa susunod na taon sina Brian Lacap, Clint Escamis, Juaquin Garcia, Warren Bonifacio, Romuel Junsay at Will Gozum, na malaki ang iniambag sa matagumpay na kampanya ng Red Robins.

“After our loss to San Beda in the finals two years ago, I’ve focused my time studying them and finding a way to beat them,” sabi ni Alcantara. “In fact, I’ve always based my recruitment with the thought of matching up with San Beda.”

Sinabi pa ni Alcantara na ang naging sekreto ay tularan at sanayin ang kanyang mga manlalaro tulad mismo ng ginagawa ng San Beda.

“We didn’t practice light because we know San Beda isn’t practicing light. We really used them as motivation,” sabi nito.