jake-at-kaye_priority-copy

SA December na gaganapin ang kasalang Kaye Abad at Paul Jake Castillo. Nag-propose si Paul Jake noong mismong birthday ni Kaye last May 17.

Ayon kay Kaye, super best friend ang turingan nila noong una na nauwi sa pagiging magkasintahan, at ngayon nga ay nakatakda na ang kanilang pag-iisang-dibdib sa December.

Super gandara ang lahat ng prenup photos na inilabas nila. Lahat ng nakakausap naming mga kaibigan ni Kaye sa showbiz ay hangang-hanga sa mga kuha sa kanilang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sa totoo lang, eh, mas hahanga ka sa napakasimpleng beauty ni Kaye. Kahit na mga kapwa niya artistang babae at kahit na nga si Vice Ganda kapag tinatanong kung sino para sa kanila ang masasabi nilang nagtataglay ng tunay na ganda among the stars, madalas na isa ang pangalan ni Kaye sa nababanggit,” sey ng taga-ABS-CBN na nakausap namin.

Sa pagkakaalam namin ay sa mismong hometown ni Paul Jake, sa Cebu City, gaganapin ang kasalan. Halos lahat naman daw ng mga kamag-anak ni Kaye ay pabor na doon gawin ang kasal dahil hanga ang mga ito sa napakagandang lugar na isa sa mga dinadayo ng mga turista.

Kung ilang beses na rin naman nakarating si Kaye sa Cebu na itinuturing na raw niyang second home.

Ayon pa sa nakausap naming malapit sa dalaga ay simpleng kasalan ang magagananap dahil iyon ang kagustuhan ng mahusay na aktres.

Masaya ang lahat ng mga kasamahan ni Kaye sa Star Magic at maging non-showbiz na si Paul Jake ang makatuluyan niya at hangad nila ang happily ever after sa dalawa. (JIMI ESCALA)