May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

TV reporter, sugatan; missile ng Israel, tumama sa likuran habang live reporting!

TV reporter, sugatan; missile ng Israel, tumama sa likuran habang live reporting!
Photo courtesy: Screenshots via GMA News

Nakuhanan nang live ang pagtama ng missile ng Israel sa likurang bahagi ng isang Russian TV crew habang nagsasagawa ng live reporting sa Lebanon.

Batay sa ulat ng Euro News, isang missile ang tumama at bumagsak sa lupa ilang metro lamang ang layo mula sa isang Russian state TV crew habang sila ay live na nag-uulat sa southern Lebanon, ayon sa kuha ng video.

Nasugatan daw ang British reporter at cameraman ngunit nananatiling may malay at hindi naman namatay.

Sinabi naman daw ng Israel na nagbigay sila ng mga babala na magpapaulan ng missile sa nabanggit na lugar, at hindi raw nila tinatarget ang mga mamamahayag.

Kinondena naman ng British Foreign Ministry ang naging airstrike at iginiit na hindi ito "accidental."

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala