Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

2 n.h. -- La Salle vs UP

4 n.h. -- NU vs UST

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

UP Maroons, target No.9 ng DLSU Archers.

Isa-isa, sapol ng La Salle Green Archers ang mga karibal.

Sa ikalawang pagkakataon, makakaharap ng palaso ng Archers ang rumaratsadang University of the Philippines Maroons, target na maipagpatuloy ang walang gurlis na kampanya sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 seniors basketball tournament second round elimination ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Dominante ang La Salle sa kanilang unang pagtatagpo at sa taas ng kumpiyansa ng Archers – nagwagi sa ikatlong sunod na laro na wala ang na-injured na star player na si Jeric Teng – suntok sa buwan ang kaganapan na mabigo sa kanilang target ang Archers sa kanilang duwelo ganap na 2:00 ng hapon.

Magtutuos naman sa main game sa 4:00 ng hapon ang National University Bulldogs at University of Santo Tomas Tigers.

Umaasa si coach Bo Perasol na makasilat ang Maroons bunsod na ring ng impresibong laro ng State U sa panalo kontra UST at Adamson.

“It’s going to be very tough. But if we can execute our defense well,we have a chance,” pahayag ni Perasol na muling sasandig kina Paul Desiderio ,Jett Manuel at Gelo Vito.

Magsisilbi namang malaking hamon para sa kanila kung paano madepensahan ang nagbabalik-akisyon na si Jeric Teng, Ben Mbala at Abu Tratter, gayundin ang stringer ng Taft-based team.

Sa tampok na laro, sisikapin ng Bulldogs na umangat sa solong ikatlong puwesto sa paghahangad na makabangon sa natamong dalawang dikit na panalo kontra defending champion Far Eastern University sa pagsasagupa nilang muli ng Tigers na magpipilit namang maputol ang kinasadlakang five-game losing skid. (Marivic Awitan)