VICTORIA, Tarlac - Dalawang kaso ang kinahaharap ng isang lalaking sumuko kamakailan sa Oplan Tokhang ng pulisya ngunit naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Bangar sa bayang ito nitong Huwebes ng tanghali.

Sa report ni PO2 Manuel Aguilar, naaresto sa buy-bust si Jerry Sagun, 49, may asawa, ng Bgy. San Andres, Victoria, na boluntaryong sumuko sa pulisya sa pag-aming sangkot sa droga.

Nakumpiska mula kay Sagun ang isang transparent plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng shabu, P500 marked money, at isang balisong. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog