CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – May kabuuang P200 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa isang abandonadong kotse sa McArthur Highway sa Barangay San Vicente, Apalit, Pampanga, kahapon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 acting Director Chief Supt. Aaron Aquino, nakumpiska ng mga operatiba ng City of San Fernando Police at Pampanga Provincial Intelligence Branch ang 10 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 10 kilo at nagkakalahaga ng P200 milyon, na nasa trunk ng abandonadong Nissan LEC sedan (TLX-665).

Kaugnay nito, nakatanggap ng ulat ang pulisya mula sa impormante na nagpakilalang si Raymond Dominguez, na nakapiit ngayon sa New Bilibid Prison (NBP), na nagsabing ang 10 kilo ng hinihinalang shabu ay nagmula sa isang Wang Cuo Cuai, alyas Ryan Ong, isang Chinese na nakakulong din sa Bilibid. (Franco G. Regala)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?