Matindi ang pagtutol ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang 13th month pay ng mga manggagawa.
Ayon kay Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, isang paglapastangan ang pinaplano ng pamahalaan na buwisan ang bonus ng mga manggagawa.
“Huwag naman sanang bawasan yung suweldo nung talagang hirap na,” pahayag ni Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.
(Mary Ann Santiago)