MARAMI pa raw itutumba sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng kampanya at “madugong pakikipagdigma sa droga” upang ganap na mapawi ang salot sa lipunan na sumisira sa utak at kinabukasan ng mga kabataan.
Humingi pa ng panibagong anim na buwan si Pangulong Duterte para ganap na masugpo ang bawal na gamot sa maraming lugar sa bansa at para maitumba ang mga lulong sa droga at nagtutulak nito. Noong una, tatlo hanggang anim na buwan ang ipinangako niya sa pagpuksa ng illegal drugs, at kung hindi niya ito matutupad, handa umano siyang magbitiw.
Habang isinusulat ko ito, mahigit na sa 3,000 ang napapatay na umano’y drug pusher, user dahil nanlaban sa mga tauhan ng police team na nag-raid sa kanila. Karaniwan sa mga biktima ay may katabing .38 cal. pistol at mga sachet ng shabu. Base sa iniulat, may 11 heneral at 11,000 pulis ang sangkot sa ilegal na droga na kabilang sa drug matrix na hawak ni Mano Digong.
Sinabi ni Gen. Bato na kung mayroong ‘Operation Tokhang’ laban sa mga sibilyang pusher at user, mayroon naman siyang ikinakasang ‘Operation Tokbang’ laban sa mga pulis. Meaning, pagbaril sa mga pulis na sangkot sa droga.
Samantala, umamin si boxing icon Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao na siya ay gumamit din ng noon ng droga. Lahat daw ng uri ng droga ay tinikman niya noong kabataan niya. Si Pacman ay makikipagbasagan ng mukha sa Nobyembre 5, sa Las Vegas, sa wala pang talong Mexican boxer na si Jessie Vargas.
Suportado ni Manny si President Rody sa anti-drug campaign nito upang mapawi ang illegal drugs sa ‘Pinas na ayon sa mga report ay kalat na kalat, at maging ang malalayong sityo, barangay na nasa kabundukan ay naabot na rin. Bukod sa “bloody war” ni Mano Digong sa ilegal na droga, suportado rin ng boksingerong naging kongresista at ngayon ay isang senador ang Machong Presidente sa pagsusulong ng death penalty.
Ang kanyang Tatay-Tayan noon na si ex-Manila Mayor Lito Atienza, ngayon ay isang kongresista, ay matindi naman ang pagkontra sa death penalty. Si Atienza ay kilalang pro-life at naniniwalang ang buhay ng tao ay mahalaga.
Samakatuwid, sina Pacman at Atienza ay nasa magkaibang bakod ngayon ng paninindigan.
Pumanaw na si Sen. Miriam Defensor-Santiago, ang itinuturing na “Tigress of the Senate” at “Iron Lady” ng Asia. Yumao si MDS sa edad na... (Bert de Guzman)