Uumpisahan na ngayon ng House Committee on Constitutional Amendments ang deliberasyon sa mga panukalang amiyenda sa Saligang Batas, sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-Con).

Ayon kay Southern Leyte Rep. Roger Mercado, panel chairman, sampung Charter change measures ang unang isasalang sa deliberasyon ngayong hapon.

“We will begin our initial hearing this Wednesday, the start of our full blast consideration of all pending Charter change proposals, be it Constituent Assembly or Constitutional Convention,” ayon kay Mercado.

Mag-iimbita ng mga eksperto sa batas ang komite para ikonsulta kung ano ang pinakamainam na paraan sa gagawing amiyenda.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala una sa listahan ng amiyenda ang panukalang pederalismo.

Sa pederalismo, makakaalpas umano ang 10 milyong Pilipino sa kahirapan, ayon kay Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte.

Amiyenda naman sa economic provisions na nakapaloob sa 1987 Constitution ang nais na isulong ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte. (Charissa M. Luci)