Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Flying V ngayong Martes ng madaling araw.
Sa anunsyo ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Oktubre 11 ay magtataas ito ng P1.55 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, habang 85 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina.
Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)