May kaugnayan umano sa ilegal na droga ang pamamaril ng tatlong armado na pawang nakasuot ng maskara sa isang lalaki sa Parañaque City, nitong Biyernes ng gabi.

Habang isinusulat ang balitang ito ay ginagamot at nagpapagaling sa ospital si Sergio Soriano y Ropan, ng No. 440 Malugay Street, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, isa sa tatlong armado ang kinilala sa alyas na “Cempron”.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 11:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Sitio Malugay, Bgy. San Martin De Porres.

National

Research vessels ng BFAR, binomba ng tubig at ginitgit ng Chinese Coast Guard

Hinihintay umano ng biktima ang kanyang kinakasama na si Rachel Alicaya nang sumulpot ang tatlong nakamaskarang suspek at walang habas na pinagbabaril ang biktima.

Ayon kay Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, may kaugnayan umano sa ilegal na droga ang pamamaril bagamat wala sa drug watch list ng pulisya ang biktima. (Bella Gamotea)