Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng isang hindi rehistradong food supplement na pangontra umano sa sakit na kanser at diabetes, dahil sa posibleng masamang epektong dulot nito sa kalusugan.
Nakasaad sa FDA Advisory No. 2016-110, na ang ‘Double J Goshi Ashitaba + Guyabano (Angelica Keskei + Soursop) capsules ay hindi dumaan sa pagsusuri at ebalwasyon ng ahensiya kaya’t walang kasiguruhan ang kaligtasan nito.
“The public is hereby warned that the said product is not registered with this Office, including all of their claims,” saad sa advisory.
Inatasan din ng FDA ang mga tauhan ng Field Regulatory Operations Office (FROO) na tiyakin na hindi maibebenta sa merkado ang mga naturang produkto. (Mary Ann Santiago)