Hiniling ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon na dagdagan ng P3,000 ang buwanang allowance ng 1.3 milyong civilian employees ng pamahalaan matapos taasan ang duty pay ng mga pulis at sundalo.

“I urge the President to extend his generosity that he has showered our uniformed men and women to our equally deserving and dedicated civilian personnel,” ani Drilon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 3, bibigyan ng P3,000 combat duty pay bawat buwan ang mga sundalo at pulis, mula sa dating P500 bawat buwan sa sundalo at P340 naman sa pulis. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga