Nalusutan ni Julius Gonzales ng La Salle-Greenhills ang huling dalawang laro para maungusan si Chris Pondoyo at makamit ang kampeonato sa juniors division ng Shell National Youth Active Chess Championship grand finals nitong Linggo sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.

Ginapi ni John Ray Batucan si Clyde Arellano sa ikawalong round para masungkit ang titulo sa seniors division.

Winalis naman ni Daniel Quizon ang mga karibal, kabilang ang huling dalawang laro konra kina Adrian de Luna at Mark Bacoja, sa kiddies class ng torneo na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Pinabilib din nina Jerlyn San Diego ng First Uniting Christian School-Dasmarinas, Kylen Joy Mordido ng Dasmariñas National High School at Rowelyn Joy Acedo ng La Salle ang mga manonood sa matikas na kampanya sa female kiddies, junior at senior division, ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinagkaloob nina GM Darwin Laylo, produkto ng Shell Active Chess; Gerboy Ortega, vice president for Human Resources of Shell Companies; Edward Geuss, Shell Philippines’ vice president for Manufacturing, at Melanie Bularan, Social Investment and Social Performance manager of Shell Group of Companies, ang tropeo at cash sa mga nagwagi.

Nakopo ni Gonzales ang kabuuang 7.5 puntos sa 13-16 age category, habang nakubra ni Batucan ang parehong iskor para magbida sa 17-20 class.