Isang fetus ang nadiskubre sa loob ng basurahan sa basement ng isang condominium building sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Supt. Romeo Odrada, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 9, dakong 11:30 ng gabi nadiskubre ng basurero ang fetus sa basement ng Legazpi Tower building, sa P. Ocampo Street, Malate, Maynila.

Naghahanap umano ang basurero ng mapapakinabangang basura nang mapansin ang kahon at nang buksan umano niya ito ay tumambad sa kanya ang fetus.

Agad naman niya itong ipinagbigay-alam sa security guard ng condominium na si Aquino Evangelista na siyang nag-report sa mga awtoridad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon, tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwan lamang ang sanggol at hindi pa batid ang kasarian.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan ng fetus. - Mary Ann Santiago