Dalawa sa tatlong lalaking magkakaangkas sa motorsiklo, na hinihilang mga holdaper, ang napatay ng mga pulis makaraang manlaban matapos sitahin sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isa sa mga napatay ay inilarawang nasa edad 30-35, may taas na 5’7”, balingkinitan, moreno, nakasuot ng navy blue T-shirt, puting shorts, may tattoo na “Francis Benjie” sa dibdib at “Esther” sa kanang kamay; habang ang isa pa ay tinatayang nasa 35-40 anyos, may taas na 5’6”, payat, moreno, nakasuot ng itim na T-shirt, dirty white shorts, may tattoo na “Junior Palme” sa kanang tadyang, “Reynalyn” sa kaliwang tadyang, at “Jhan” sa kanang kamay.

Nakatakas naman ang ikatlong suspek, sakay sa motorsiklo nila.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 3:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Jose Abad Santos Avenue, sa kanto ng Quiricada Street sa Tondo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpapatrulya sa lugar sina PO2s Jefferson Rivera at Enrique Fajardo nang napansin ang tatlong suspek na walang helmet, pero sa halip na tumigil ay agad umanong bumunot ng baril ang dalawa sa mga ito at pinaputukan sila.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkakapatay sa dalawang suspek, na nabawian ng dalawang .38 caliber revolver, 13 plastic sachet ng shabu at isang bag na pambabae na may lamang P169.50 at mga personal na gamit. (Mary Ann Santiago)