Target ng Philippine Rugby Football Union (PRFU) na makamit ang kambal na ginto sa 2017 Kuala Lumpur Southeast Asian Games at 2018 Indonesia Asian Games bilang pagpapalakas sa kampanya na makahirit sa Tokyo Olympics sa 2020.

Ipinahayag ni PRFU Managing Director Matthew Cullen na sentro ng programa ng PHI men’s at women’s National 7s Rugby Team na makasungkit ng medalya sa Tokyo Games.

“The Volcanoes are once again looking to play some of the Asia’s best,” sabi ni Cullen, kaagapay sa paghahanda sa Volcanoes sina team coordinator Jake Letts, Harry Moss, AC San Juan, at Aida Murphy.

“The men’s and women’s team have begun high intensity training programs to defend their SEA Games medals.”

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakatakdang sumabak ang Volcanoes sa serye ng internasyonal na torneo bilang paghahanda at pagsasanay nito tungo sa pinakamalapit nitong target na 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

“The aim is to select the members of the women’s team,” sabi ni Cullen.

Nakatakdang sumabak sa apat na internasyonal na torneo ang Lady Volcanoes, kabilang ang Bangkok 7s sa Nobyembre 12-13 at dalawang leg ng 2017 Asian 7s Series na gagawin naman sa India at Dubai. (Angie Oredo)