Mga laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- Adamson vs La Salle

4 n.h. -- Ateneo vs UE

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pag-aagawan ng De La Salle at Adamson ang pamumuno sa UAAP Season 79 men's basketball tournament sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Magkakasubukan ang dalawa sa pambungad na laro ganap na 2:00 ng hapon.

Itataya ng Green Archers ang malinis na barahang 4-0 laban sa Falcons na galing sa dalawang dikit na panalo, ang kanilang unang winning streak sa ilalim ng bagong coach na si Franz Pumaren, ang dating mentor ng La Salle.

"It's going to be weird," wika ni Pumaren tungkol sa laban kontra sa La Salle, na muli niyang makikita matapos iwan ang koponan noong 2009.

"It will be fun. I hope we sustain our streak and keep the game close,” aniya.

Batid ni Pumaren na hindi magiging madali na gapiin ang Green Archers, pinangungunahan nina Cameroonian center Ben Mbala at graduating team captain Jeron Teng na determinadong makasungkit muli ng isa pang kampeonato sa pagtatapos ng kanyang UAAP career, sa ilalim ng kanilang bagong mentor na si Aldin Ayo.

Sa huling laro, magsasagupa naman ang Ateneo at UE ganap na alas-4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)