Pormal na hiniling ni Sen. Leila de Lima ang pagbisita ng United Nations (UN) rapporteur, at silipin ang extrajudicial killings (EJKs) at summary executions sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 153, na naglalayong pakilusin ang Executive Branch, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), para mag-imbita ng UN special rapporteur.

Inilahad ni De Lima ang rekord ng Philippine National Police (PNP) hanggang Setyembre 14, 2016, kung saan umaabot na sa 3,173 katao ang napapatay sa drug war ng Pangulo simula Hulyo 1, 2016.

Sa nasabing bilang, 1,138 drug personalities na ang napapaslang sa police operations, habang 2,035 naman sa vigilante killings.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

‘’By any standard, the statistics are alarming and staggering. And, judging from both official and media sources, there is no showing that we will soon experience a downtrend in the figures,’’ ani De Lima.

Samantala agad namang nagpahayag ng oposisyon sa resolusyon sina Senate Majority Leader Vicente C. Sotto III at Sen. Panfilo M. Lacson.

‘’Any senator can file any resolution about anything under the sun but in this case, I do not support the call for UN to meddle in our internal affairs,’’ ani Sotto.

‘’Hindi kaya kahiya-hiya naman na virtually inamin natin sa buong mundo na hindi natin kayang-imanage ang sarili natin problema dito sa bansa?” ayon naman kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na pwede namang mag-imbestiga ang Senado, at hindi na kailangan pa ang mga dayuhan para rito.

(Mario Casayuran)