09202016_de-lima_romero-10-copy

Matapos ang word war sa pagitan nina Sen. Leila de Lima at Sen. Alan Peter Cayetano, si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson naman ang pinatutsadahan ng Senadora.

Nairita si De Lima kay Lacson, nang sabihin ng huli na may ‘probable cause’ para sampahan ng kaso sa hukuman si De Lima.

Magugunita na paulit-ulit nang pinabubulaanan ng Senadora ang alegasyong sangkot siya sa droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP), ngunit ayon kay Lacson, naniniwala siyang lalabas ang arrest warrant laban kay De Lima kapag may nakitang sapat na basehan laban sa kanya, sa mga ebidensya at testimonya ng mga testigo sa Kamara.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Akala ko ba pinagtatawanan lang ni Sen. Ping itong persecution and harassments being done to me, as he recalls his own harrowing experience with the Mawanay episode?” ani De Lima.

Kinuwestiyon ni De Lima ang mga pahayag ni Lacson sa kasalukuyan. “Is he convinced of the authenticity and veracity of the ‘stories’ of those obviously perjured witnesses?

“I’m aghast by some people’s propensity for double speak!” dagdag pa nito.

Sa panig ni Lacson, sinabi niyang malamang ay hindi nakuha ni De Lima ang kanyang ibig sabihin.

“She got it all wrong. When I said pinagtatawanan ko lang ‘yung pinagdaanan niya ngayon compared to what I experienced before, I wasn’t referring to the credibility of evidence being presented against her now and against me before, but the degree of harassment that former President Gloria Macapagal-Arroyo and her cohorts in practically all the agencies of government were throwing against me,” ani Lacson .

Noong panahon ni Arroyo ay nagtago si Lacson matapos isangkot sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong 2001. (Hannah L. Torregoza)