Nahuli sa akto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang drug den operator at 11 nitong parokyano sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Parañaque City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba ang suspek na si Andres Napoles y Misa, nasa hustong gulang, ng Tramo 1 Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod.

Bukod kay Napoles, nadakip din ang 11 katao na pinaniniwalaang parokyano ng suspek matapos umanong madatnan na gumagamit ng ilegal na droga.

Dakong 10:00 ng gabi ikinasa ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3, sa pamumuno ni Carumba, ang operasyon laban kay Misa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakarekober ang mga pulis ng 12 pakete ng shabu, dalawang lighter, dalawang glass pipes at closed-circuit television (CCTV) gadgets.

Bago ang operasyon, nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa ilegal na aktibidad ni Napoles kaya nagsagawa muna ng surveillance hanggang sa nakumpirmang sangkot sa ilegal na droga ang suspek. (Bella Gamotea)