Setyembre 19, 1982, dakong 11:44 ng umaga, nang ipakilala ni Scott Fahlman ang smiley emoticon nang gamitin niya ito sa isa sa mga mensahe para sa online bulletin board ng Carnegie Mellon University.

“I propose the following character sequence for joke markers: :-) Read it sideways,”

Isinulat ni Fahlman, isang computer scientist sa nasabing unibersidad sa Pittsburgh, Pennsylvania, United States, noong panahong iyon.

Noong una, layunin ng emoticon na magamit para maging katawa-tawa ang mga mensahe sa bulletin board ng unibersidad ngunit maaari rin itong maging seryoso, ayon kay Fahlman, ang kung tawagin ay “Father of Emoticons” dahil sa milestone na ito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Mula sa simpleng keyboard strokes na binubuo ng colon, hyphen, at closing parenthesis upang mabuo ang “smiling” face 34 na taon na ang nakalilipas, malayo na ang narating ng emoticon, na may daan-daan nang bersiyon ngayon.