torre-frayna-copy

Medina, Torre at Frayna, haharap kay Pangulong Duterte.

Ihaharap ng Philippine Sports Commission (PSC) kay Pangulong Rodrigo Duterte sina Paralympics bronze medalist Josephine Medina, Grandmaster Eugene Torre at ang pinakaunang Woman Grandmaster sa bansa na si Janelle Mae Frayna matapos magbigay ng karangalan.

Sinabi mismo ni PSC Chairman Butch Ramirez na isasama nito para magbigay ng courtesy call sina Torre at Frayna pati na si Medina sa sandaling dumating ang huli mula sa paglahok sa table tennis at magwagi ng tansong medalya sa 2016 Paralympics sa Rio de Janerio, Brazil.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“They deserved to be feted for giving honor and prestige to the country,” sabi lamang ni Ramirez.

Si Medina ay nakatakdang magbalik sa bansa Linggo kung saan nakatakda itong tumanggap ng kabuuang P1milyong insentibo base sa Republic Act 10699.

Samantala, bibigyan ng PSC ng cash incentive sina Torre at Frayna dahil sa kanilang matagumpay na kampanya sa katatapos lamang na 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.

Ang 64-anyos na si Torre ay tatanggap ng P100,000 para na naiuwi nitong tansong medalya paglalaro sa board three sa Open division habang si Frayna ay may P50,000 matapos na maging unang Pilipina na naabot ang WGM at ang na International Master.

"It was stated in our law that biennial Olympiad bronze is P100,000 while a Grandmaster title is something new but she (Frayna) will given P50,000," sabi ni Ramirez.

Matatandaan na umiskor si Torre ng kabuuang 10 mula sa posibleng 11 puntos sa kanyang itinala na siyam na panalo at dalawang tabla, habang si Frayna ay nakamit ang kanyang ikatlo at huling WGM norm sa pagtala ng pito sa posibleng 11 puntos.

Ang tanso ay ikaapat ni Torre matapos magwagi noong 1974 Nice Olympiad kung saan tinanghal siya bilang unang grandmaster sa Asia at noong 1980 Malta at 1986 Dubai Olympiads sa Bord 1. (Angie Oredo)