TAYSAN, Batangas - Patay ang isang umano’y drug pusher matapos barilin ng mga pulis nang maghagis ng granada sa buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa kanya, sa Taysan, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Leo Perez, naghagis ng granada si Marlon Florendo, 32, taga-Barangay Mapulo, kaya ito pinagbabaril ng awtoridad.

Kabilang umano ang suspek sa drugs watchlist at sumuko kamakailan sa mga awtoridad, sa ilalim ng Oplan Tokhang.

(Lyka Manalo)

Probinsya

Dalagitang nangisay sa kaka-cellphone, patay matapos mahulog sa ilog