Pinagsabihan ni Deputy Speaker Fredenil Castro (Capiz) si Sen. Ralph Recto na pag-aralan munang mabuti ang isyu sa pederalismo upang maiwasan ang mali nitong opinyon o paniniwala tungkol dito.

Sinabi ng kinatawan ng 2nd District ng Capiz, na ang pangamba ni Recto na baka gamitin lang ni Duterte ang pederalismo ay “misplaced and outright malicious.”

Ayon kay Castro, ang panukala ng administrasyong Duterte na palitan ang sistema ng gobyerno mula presidential form patungo sa federal system ay nakaangkla sa ideya na mabigyan ang lahat ng Estado ng mas mabuting kontrol sa kanilang economic resources at kapangyarihan na paunlarin ang kanilang sariling lugar. (Bert de Guzman)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga