edward-copy

PUMANAW na ang US playwright na si Edward Albee, ang awtor ng Who’s Afraid of Virginia Woolf?, sa edad na 88.

Kinumpirma nitong nakaraang Biyernes ng assistant ni Albee ang pagkamatay ng manunulat sa kanyang sariling tahanan sa Long Island, malapit sa New York. Walang ibinigay na pahayag kaugnay sa dahilan ng pagkamatay niya.

Si Albee ay tatlong beses na pinarangalan ng Pulitzer Prize, kinilalang greatest living playwright ng America nang pumanaw na sina Arthur Miller at August Wilson noong 2005. Ang parangal ng Pulitzers sa kanya ay para sa A Delicate Balance, Seascape at Three Tall Women.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

May halong katatawanan, ang kanyang play ay tumatalakay sa mga problema sa pag-aasawa, relihiyon, pagpapalaki ng anak, at pamumuhay.

Hindi natanggap ng pinakasikat na sinulat niyang Who’s Afraid of Virginia Woolf? ang 1963 Pulitzer Prize nang ilunsad ito sa Broadway nang sinundang taon.

Base sa advisory ng nasabing parangal, hindi “uplifting” ang sinulat ni Albee dahil ito’y maselan.

Hindi rin ito nanalo sa Tony Award ng best play, at hindi nagtagal ay ginawang pelikula na pinagbidahan nina Richard Burton at Elizabeth Taylor.

Taong 1996, inilarawan niya ang epekto ng play na: “I find Virginia Woolf hung about my neck like a shining medal of some sort - really nice but a trifle onerous.”

Noong taong din iyon, pinarangalan siya ng National Medal of the Arts ni Pangulong Bill Clinton.

Nagpatuloy sa pagsusulat si Albee hanggang noong siya ay 70 taong gulang.

Ilang taon na ang nakalilipas, bago sumailalim sa major surgery, sumulat si Albee ng isang maikling pahayag na ilalathala kapag siya ay pumanaw: “To all of you who have made my being alive so wonderful, so exciting and so full, my thanks and all my love,” saad niya.

Ang asawa ni Albee na si Jonathan Thomas ay namatay noong 2005. (BBC News)