ANKARA (Reuters) – Isinara ng British government ang embahada nito sa Ankara, ang kabisera ng Turkey, noong Biyernes dahil sa seguridad, sinabi ng Foreign and Commonwealth Office, nang hindi nagbibigay ng detalye.

“The British Embassy Ankara will be closed to the public on Friday 16 September for security reasons,” pahayag ng foreign office noong Huwebes ng gabi.

Sarado ang embahada simula Lunes hanggang Huwebes para sa Eid al-Adha holiday ngayong linggo, ang isa sa dalawang pinakamahalagang kapistahan sa Islamic calendar.

Ang Turkey ay naging target ng paulit-ulit na pag-atake ng mga militante sa nakalipas, kapwa ng mga Islamist at Kurdish.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'