Sentro ng usapin ngayon ang magaganap na halalan sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na nakatakda sa huling linggo ng Nobyembre.

Itinakda sa Oktubre 15 hanggang 30 ang pagsumite ng nominasyon para sa mga posisyon sa Olympic body.

“Nomination starts on October 15,” pahayag ni Philippine Karate-do Federation secretary general Raymund Reyes.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nauna nang nagpahayag ng kanyang pagnanais sa ikaapat na termino ang kasalukuyang pangulo ng POC at Equestrian Association of the Philippines (EAP) president Jose “Peping” Cojuangco.

Wala pang direktang pangalan na itinuturo na lalaban sa dating Tarlac Congressman, ngunit usap-usapan ang paglarga umano ni Triathlon Association (TRAP) president at POC chairman Tomas Carrasco Jr. para labanan ni ‘Peping’.

Sa kasalukuyan, ang bumubuo ng POC Board ay sina Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. president Jose Romasanta (1st Vice President); Soft Tennis chief Antonio Tamayo Jr., ( 2nd Vice President); bowling president Stephen Hontiveros (Secretary General); Wushu secretary general Julian Camacho (Treasurer), Chess president Prospero Pichay, Jr. ( Auditor); Gymnastics president Cynthia Carrion-Norton, Judo president David Carter, Sailing president Ernesto Echauz at Canoe-Kayak-Dragonboat president Jonne Go (Directors).