SA unang pagkakataon, magtatanghal ang rap megastar na si Jay Z sa India sa isang music festival para maitaguyod ang kamalayan tungkol sa kahirapan, ayon sa organizers ng event.
Layunin ng Global Citizen Festival, itinatag noong 2002, na ipakita ang pangunahing pagsubok na kinakaharap ng India kabilang ang sanitation facilities sa mga probinsiya at kondisyon ng elementary education.
“The line-up for November’s performance includes Coldplay, Jay Z and various Indian artists including Aamir Khan, Amitabh Bachchan among others,” ani Sabbas Joseph ng Wizcraft event management company sa mga mamamahayag.
“Coldplay lead singer Chris Martin serves as the creative director of the Global Citizen Festival and is responsible for the concert line-up,” dagdag nito.
Gaganapin ang gig sa Mumbai na naipamigay na ang halos 80 porsiyento ng ticket, inanunsyo ng organisasyon sa launch event na dinaluhan ng Hindi screen legend na si Bachchan at apo ni Nelson Mandela na si Kweku Mandela.
Magtatanghal din sa charity event ang bollywood actors na sina Farhan Akhtar, Katrina Kaif, at Oscar-winning musician na si AR Rahman.
Dumalo ang Indian Prime Minister na si Narendra Modi sa festival noong 2014 bilang pagsuporta sa mithiin ng event.
(AFP)