Ni Nitz Miralles

regine1-copyNEW look si Regine Velasquez sa short hair niya at sa rami ng nag-like sa picture niya na pinost ni Ogie Alcasid sa social media, lumalabas na marami ang pabor na nagpagupit siya ng buhok. Aprubado sa netizens ang hairdo ni Songbird ngayon.

Magsi-celebrate si Regine ng kanyang 30th anniversary sa showbiz sa October at tila isang major concert ang planong gawin. Kaya lang September na ngayon, parang wala na uli kaming balita tungkol sa concert at sa bagong album na ilalabas niya.

Nakalimutan naming itanong kay Regine ang tungkol sa album at concert niya sa press launch nila ni Nate bilang ambassador ng Telpad (si  Regine) at Smart Watch (si Nate) ng PLDT Home. Focused kasi ang Q&A kay Nate at enjoy din si Regine sa pagsagot ng mga tanong on behalf of her son.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Anyway, bagay na bagay kay Regine ang kanyang short hair na sinabayan pa ng kanyang pagpayat, kaya sexy na uli si Songbird.

Ano kaya ang reaction ni Nate nang makitang maiksi na ang buhok ng mommy niya?

Matatandaan na noong single pa si Regine ay madalas siyang magpagupit ng maikli na gustung-gusto ng fans niya dahil bagay na bagay naman talaga sa kanya.