DAVAO CITY – Kahit gaano man kaastig ang pagkakakilala sa kanya, isa rin siyang lolo.

Inamin ni Pangulong Duterte na kinailangan niyang maglaan ng panahon sa gitna ng kaabalahan niya sa ASEAN Summit sa Laos noong nakaraang linggo upang ipagluksa ang pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga hindi pa naisisilang na apo matapos niyang malaman ang tungkol sa pagkamatay ng dalawa sa triplets na ipinagbubuntis ni Mayor Sara Duterte nitong Miyerkules.

“Somebody told me I, I went to the bathroom and, sa labas kasi nasa lobby kami. I cried, I cried,” malungkot na sabi ng Pangulo.

Sinabi rin ng Presidente na dati nang nagkaroon ng problema sa pagbubuntis si Mayor Sara.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“These are the things in life… you have to heal yourself,” sabi ni Duterte tungkol sa pagluluksa ngayon ng kanilang pamilya.

Sa kanyang pagdalo sa turnover ceremony para sa bagong commander ng Task Force Davao nitong Miyerkules, inihayag ni Mayor Sara na wala nang heartbeat ang dalawa sa kanyang ipinagbubuntis tatlong araw matapos ang pagsabog sa night market, na ikinasawi ng 14 na katao. - Yas D. Ocampo