Isa na namang pampataas ng moral ang tinanggap ng drug enforcement officers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nang bigyan sila ng P2,000 hazard pay kada buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang hazard pay ay retroactive, kaya sisingil ang PDEA agents ng P2,000 mula Enero ng taong kasalukuyan.

Samantala ang pondo ay manggagaling na mismo sa Department of Budget and Management (DBM), hindi sa savings ng PDEA.

“The hazard pay is definitely a morale-booster that will increase productivity and efficiency of PDEA agents and personnel. They shall receive retroactive hazard pay effective January 2016 on top of their monthly salaries starting September 2016,” ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sinabi ni Lapeña na sapagkat nahaharap sa delikadong sitwasyon ang PDEA agents sa kanilang operasyon laban sa illegal drugs araw-araw, nararapat lang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang mga ito. (Chito Chavez)