Ipatupad muna ang bagong batas sa Sanggunian Kabataan bago isulong ang pagbuwag dito. Ito ang panawagan kahapon ni Caloocan City Rep. Edgar Erice.

Binigyang diin niya na ang bagong batas sa SK ay dumaan sa masusing konsultasyon at pag-aaral upang mailayo ito sa katiwalian at maging maayos ang paglilingkod. “Sayang ang proseso ng Kongreso, kapapasa lang at hindi pa naipapatupad ang batas ay bubuwagin agad (ang SK),” aniya.

Binanggit ni Erice na kabilang sa mga repormang naisama sa bagong batas sa SK ay ang pagbuwag sa political dynasty at pagtaas sa edad ng mga kabataang kasapi nito, mula 15 ay ginawang 18 taon para magkaroon na sila ng legal contracting capacity at kahandaan sa tamang paggasta ng pondo. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'