Timbuwang ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa ilalim ng isang tulay sa Intramuros, Manila kamakalawa.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Rogelio Paglinawan, alyas “Caloy”, tinatayang nasa edad 40 hanggang 45, at sinasabing miyembro ng Batang City Jail.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:40 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa ilalim ng Delpan Bridge sa Sta. Barbara Street, Intramuros.

Tumayong poseur buyer si PO1 Oliver Valenzuela, ng Station Anti-Illegal Drugs -Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng MPD-Station 5, at bumili kay Caloy ng P200 halaga ng shabu.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nakahalata umano si Caloy na mga pulis ang kanyang katransaksiyon kaya’t bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis hanggang sa nagkabarilan ang magkabilang panig na naging sanhi ng pagkamatay ni Caloy. (Mary Ann Santiago)