Binalaan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic enforcers nito, hinggil sa ipatutupad na ‘one strike policy’.

Ang MMDA ay bahagi na ng inter-agency committee on traffic (IACT), kung saan sinuman sa tauhan nito na masasangkot sa pangongotong ay agad na sisibakin.

“I will not allow traffic enforcers to taint the image of the MMDA. We will implement one-strike policy. Any insinuation, any word that one of our enforcers is taking illegally we will deal with it immediately,” ayon kay Thomas Orbos, MMDA officer-in-charge.

Kapag may alegasyon, ang traffic enforcer ay agad na aalisin sa kalye, iimbestigahan at kapag may basehan, sasampahan ito ng kasong administratibo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan, 800 traffic enforcers ng MMDA ang sakop na ng IACT. Kasama ng mga ito sa pagmamando sa trapiko ang mga elemento ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

(Anna Liza Villas-Alavaren)