NEW YORK (AP) – Tila hindi pa napapagpag ni Monica Puig ang kalaguan sa tagumpay sa Rio Olympics.
Seeded 32 at Olympic champion, nagbubunyi ang crowd para parangalan ang Puerto Rican star, ngunit sa isang iglap nawala ang kasiyahan nang masilat ni 61st rank Zheng Saisai ng China ang paboritong si Puig, 6-4, 6-2, nitong Lunes (Martes sa Manila).
Kapwa naman naisalba nina No. 3 Rafael Nadal ng Spain at top seeded Novac Djokovic ang matikas na karibal sa opening round sa Arthur Ashe Stadium.
Ginapi ni Nadal si Denis Istomin ng Uzbekistan, 6-1, 6-4, 6-2.
Naitala niya ang 14 sa 21 winners gamit ang pamosong forehand.
Ito ang unang sabak ni Nadal sa major tournament mula nang makausad sa second round ng French Open noong Mayo 26.
Umatras siya sa Roland Garros matapos ang third round at hindi na naglaro sa Wimbledon.
Naitala naman ni Djokovic ang unang kabiguan sa isang set sa first round ng Grand Slam tournament mula noong 2010 sa 6-3, 5-7, 6-2, 6-1 panalo kontra Jerzy Janowicz ng Poland.