Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- San Sebastian vs LPU

2 n.h. -- Jose Rizal vs EAC

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- Benilde vs Letran

4 player mula sa Letran at San Beda, suspendido sa gulo.

Sasabak ang defending champion Letran kontra sa bokyang St. Benilde ngayon na wala ang tatlong key player sa pagpapatuloy ng second round elimination ng Season 92 NCAA seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Sinuspinde ng tig-isang laro sina Knights Jerrick Balanza, Chris Dela Pena, at Marvin Sario, gayundin si San Beda forward Antonio Bonsubre bunsod ng pagkakasangkot sa muntik nang free-for-all nitong Biyernes na pinagwagihan ng Red Lions, 83-71.

Ipinahayag ni NCAA Management Committee chairman Jose Mari Lacson ang desisyon batay na rin sa rekomendasyon ni tournament commissioner Andy Jao.

Ayon kay Jao, direktang sangkot ang apat sa kaguluhan matapos ang isinagawang review sa game video.

"Balanza, during deadball, hit the face of Presbitero. Sario and dela Pena entered the court. They did not do anything but obviously it didn't look well and could exacerbate the situation and the tension," pahayag ni Jao.

Nagsimula ang kaguluhan dahil sa ginawang paniniko ni Bong Quinto ng Letran kay San Beda rookie Jomari Presbitero, pitong segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

Sinundan ito ni Balanza na muling siniko si Presbitero sa mukha kaya natawagan ng flagrant foul na na-upgrade sa disqualifying foul.

Bunsod nito, kulang sa player ang Letran sa pagsagupa sa St. Benilde sa ganap na 4:00 ng hapon.

Napatawan naman si Bonsubre ng suspensiyon matapos nitong hilahin sa leeg si Letran guard McJour Luib. Hindi siya makakalaro sa laro ng San beda kontra Mapua sa Huwebes.

Samantala, tatangkain ng Jose Rizal na palawigin ang naitalang four-game winning streak sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa ganap na 2:00 ng hapon.

Mula sa panimulang 3-5 marka, nagposte ang Heavy Bombers ng apat na dikit na panalo, pinakahuli kontra Lyceum, 68-58 noong Biyernes para makasalo sa Cardinals sa No. 4 spot na may kartang 7-5.

Tulad ng JRU, tatangkain din ng San Sebastian College na mapalawig ang kanilang winning streak sa pagsalang laban sa Lyceum sa unang laro sa ganap na 12:00 ng tanghali.

Nagwagi ang Stags ng tatlong sunod kontra Perpetual Help, San Beda at Mapua matapos mabigo sa unang siyam na laro.

"We are more concerned on keeping the winning attitude before we think of anything else like the Final Four," pahayag ni San Sebastian coach Egay Macaraya. (marivic awitan)