SINORPRESA ni Jennifer Lopez ang dating asawa na si Marc Anthony sa kanyang concert sa Radio City Music Hall sa New York City noong Biyernes ng gabi. Sa kabila ng hiwalayan noong 2011, bakas pa rin ang ngiti ng dalawa habang nagtatanghal ng kanilang hit na Spanish Song na No Me Ames.  

Sa video na kuha ng isang concertgoer, nakatanggap si J.Lo ng mainit na palakpakan ng mga manonood habang umaakyat sa stage na suot ang kumikinang na plunging black gown na may mataas na slit. Nagyakapan sina Lopez at Anthony, na parehong nasa edad 47, pagkatapos ng kanilang performance at sinabi ni Anthony na, “The queen!” pagtalikod niya.

Gulat na gulat si Anthony, at ilang beses na napa-wow. Para maipakita pang lalo ang kanilang magandang ugnayan, nag-post si Anthony ng litrato nila kasama ang 8-year-old twins na sina Emma at Max, at ang asawa ni Anthony na si Shannon De Lima.

“#MiGente, thank you to the fans and @jlo for a wonderful concert. #AllAboutFamily backstage last night at @radiocitymusichall #ThePrivateCollection #Tour2016,” sulat ni Anthony sa post.  

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naganap ang kanilang night of fun ilang araw pagkaraang sabihin ng isang source sa People na hiwalay na sina Lopez at boyfriend na si Casper Smart.

Ikinasal sina Lopez at Anthony sa isang secret ceremony sa bahay ni J.Lo sa Beverly Hills noong 2004. Naging maayos ang kanilang ugnayan simula nang maisaayos ang kanilang divorce noong 2014, at nagtungo naman sina Anthony at De Lima sa Las Vegas para panoorin ang show ni Lopez nitong unang bahagi ng buwan. (People.com)