Umaapela sa Kongreso ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipasa na ang Whistleblower Act.

Ito’y sa gitna na rin ng higit pang pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon at pag-convict kay Rodolfo “Jun” Lozada Jr. sa kasong graft hinggil sa maanomalyang deal noong siya ang pangulo at chief executive officer ng Philippine Forest Corp., mula taong 2007 hanggang 2008.

Nangangamba si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, na kung hindi maipapasa ang Whistleblower Act ay tuluyan nang mananahimik ang mga whistleblower tulad ni Lozada dahil wala namang proteksyon ang mga ito.

Naniniwala rin si Pabillo na masasayang lamang ang anti-corruption campaign ng pamahalaan kung hindi maisasabatas ang naturang panukala.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Matatandaang si Lozada ay naging whistleblower sa umano’y naging katiwalian sa multimillion na National Broadband Network (NBN) contract ng administrasyon ni dating Pangulong President Gloria-Macapagal Arroyo sa Chinese firm na ZTE Group.

Sa Senado, isinampa ni Sen. Antonio Trillanes ang Senate Bill 290 na naglalayong bigyan ng karapatan at proteksyon ang whistleblowers. Layunin din ng panukala na bigyan ng 10 porsiyento sa marerekober ng pamahalaan mula sa iningusong katiwalian, ang whistleblowers. (Mary Ann Santiago at Leonel Abasola)