Ipagpapatuloy ng San Miguel Beer ang kampanya sa OPPO-PBA Governors Cup na may bagong import sa katauhan ni Michael Singletary.

Wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng SMB, ngunit kinumpirma ni agent/manager Sheryl Reyes nitong Biyernes sa kanyang Twitter account

@FemaleAgentSR na dumating na sa bansa si Singletary para palitan si AZ Reid.

“Welcome to San Miguel Beer,” ayon sa Twitter message ni Reyes.

Hindi kinumpirma o itinanggi ni coach Leo Austria ang planong palitan si Reid hindi dahil sa nagtamo ito ng injury kundi sa problema sa paguugali nito.

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Hindi na bagito si Singletary sa PBA dahil nakapaglaro na ito sa kampo ng Barako Bull noong 2012-2013 season kung saan naitala niya ang average 33.3 puntos at 12.8 rebound sa 10 laro.

Kabilang si Singletary sa Mighty Sports-Philippine Team na nagkampeon sa Jones Cup sa Taipei