Nakopo ni Euniel Capilitan ang kiddies title, habang namayagpag si Romeo Canino sa juniors division ng 24th Shell National Youth Active Chess Championship sa Northern Mindanao leg nitong weekend sa Cyberzone sa SM City Cagayan de Oro.

Nasustinihan ni Capilitan ang ratsada sa final round para gapiin si Kiel Villa sa 7-12 age division tangan ang 8.5 puntos. Sumegunda si Villa, mula sa Boalan Elementary School nang biguin si Regina Quinanola sa eighth round at makatabla kay Aaron Noblijas sa final round.

Naghahabol si Canino ng kalahating puntos kay Aaron Caresosa matapos ang ikaanim na round, ngunit nagawang walisin ang huling tatlong laro kabilang ang final match kay Marc Villarojo ng Liceo de Cagayan University para sa titulo sa 13-16 category na may 8.5 puntos.

Pinangunahan nina Melanie Bularan, Social Performance and Social Investment Manager ng Pilipinas Shell, Shell Active chess alumnus Randolf Christopher Dalauta; Shell; executives Janot Barretto; Social Perfomance Advisor of Pilipinas Shell, Rocci Litao; Social Perfomance Assistant of Pilipinas Shell, at Janice Manzon, Executive Assistant of Vice President for External Relations of Pilipinas Shell ang pagbibigay ng sertipiko at premyo sa mga nagwagi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakasama sa National Finals sa Octubre 1-2 ang mga nagwagi sa CDO leg.