Iminungkahi ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) na dagdagan ang personal tax exemption ng mga nag-aalaga ng kanilang matatandang magulang upang maginhawahan sila sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Arroyo, sa pamamagitan nito ay makakapag-iipon sila ng kaunting pera para sa nutrisyon, edukasyon, medisina at iba pang pangangailangan ng iba pang dependents.

Sinabi ni Arroyo na sa kabila ng dagdag na gastos sa pag-aalaga o pagkukupkop sa matatandang magulang, hindi ito pinapansin ng karamihan ng pamilyang Pilipino na nagnanais alagaan nang personal ang kanilang matatanda kaysa ipagkatiwala sa ibang tao. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?