martin copy

Nanindigan ang Letran Squires at Chiang Kai Shek College Blue Dragons sa kani-kanilang laro nitong Linggo sa junior division ng 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus.

Hataw si Adriane Magada, anak ni dating Philippine Basketball League standout Mar Anthony Magada, sa natipang 17 puntos para sandigan ang 81-69 panalo ng Squires kontra Makati Gospel College.

Nagsalansan si Rafael Toribio ng 11 puntos sa 88-60 dominasyon ng Blue Dragons sa San Beda Red Kittens, 88-60.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magkasalo ang Squires at Blue Dragons sa pangunguna sa Group A tangan ang parehong 2-0 karta.

Sa iba pang laro, ginapi ng San Beda-A ang Centro Escolar University-A, 57-50, para sa ikalawang panalo sa Group B senior division.

Nagwagi naman ang San Beda-B sa CEU-B, 58-50, habang nanaig ang Mary the Queen College kontra University of Perpetual Help-Molino, 70-51; pinabagsak ng Jose Rizal University-B ang Adamson University, 64-54, para sa 1-1 karta at nakopo ng Arellano University ang 61-53 panalo kontra Diliman Preparatory School.

Nginata ng National University Bullpups ang Far Eastern University Tamaraws, 64-56, sa Group B ng junior contest, habang nagwagi ang Rich Montessori via default sa University of Santo Tomas.

Nagtumpok ng 18 puntos si Jade Talampas para sandigan ang San Beda-Rizal kontra Adamson, 78-74.