Inendorso ng 14-man Eastern Visayas Bloc sa Kamara ang emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte, na naglalayong resolbahin ng mabilis ang malalang trapiko sa Metro Manila.
“We believe that the President, through emergency powers, will be able to deal with incongruent national and local government policies and it will serve as the key to solve the traffic crisis, once and for all,” ayon sa grupo ng mga mambabatas.
Nais ng grupo na maigawad agad ang emergency powers sa Pangulo upang makakilos na ito sa pagresolba sa trapiko, lalo’t apektado na ang turismo sa problema, gayundin ang ekonomiya.
Tinatayang umaabot sa P6 bilyon kada araw ang nalulugi sa ekonomiya dahil sa trapiko, samantala P7 bilyon naman ang nawawala sa airlines kada taon dahil dito.
Kabilang sa 14 lumagda sa manifesto sina Reps. Ben Evardone (Eastern Samar), Rogelio Espina (Biliran), Mila Tan (2nd District, Samar), Roger Mercado (Southern Leyte), Jose Carlos Cari (5th District, Leyte), Lucy Torres-Gomez (4th District, Leyte) at Victoria Noel (An Waray PL). (Charissa M. Luci0