Ipinupursige ni first-term Rep. Vilma Santos-Recto (6th District, Batangas) na maalis ang buwis sa overtime pay ng mga manggagawa upang matamasa nila ang benepisyo ng pagtatrabaho nang lampas sa oras.

Sinabi ni Recto, chairperson ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, na ang kanyang mungkahi ay magbibigay ng benepisyo at ginhawa sa 39.8 milyong kawani sa pribado at pampublikong sektor.

Aminado ang dating Batangas governor at Lipa City mayor na mababawasan ang kita ng pamahalaan sa kanyang panukala, subalit idiin niya na mas maraming pera ang papasok sa bulsa ng mga taxpayer at lalakas ang consumer spending na pakikinabangan din ng bansa. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'