HINDI lang pala si Miguel Tanfelix at si Alden Richards ang nag-guest at maggi-guest sa Encantadia dahil kasabay ng last night ni Miguel sa fantaserye, lumabas naman si Andre Paras. Gumanap siya bilang isa sa mga sundalo at bumagay kay Andre ang naturang role.
Matatandaang kasama rin ang ama ni Andre na si Benjie Paras sa original na Encantadiabilang isa sa mga higante. Dito sa requel ng fantaserye, ang anak naman nitong si Andre ang kasama sa cast.
Sa episode ng telefantasya nitong nakaraang Biyernes, ipinakita na ang paglaki nina Lira at Mila na ginagampanan nina Kate Valdez at Mikee Quintos respectively. Positive ang feedback ng viewers sa dalawa at ang sabi, magaganda na ay mahuhusay pang umarte.
Samantala, kasabay ng pilot ng Encantadia ang launching ng Encantadia Sessions, the Philippines’ first live
commentary video for a local TV series.
Sa online event na ito, kasama nang pinapanood ng viewers ang fantaserye ang correspondents na sina Francis Libiran, PR manager na si Victor Harry, GMA Artist Center talents Nar Cabico, Marlann Flores at Avery Paraiso ng Starstruck 6.
Naimbita na sa Encantadia Sessions sina Rochelle Pangilinan, Solenn Heussaff, Vaness del Moral, Ruru Madrid, Klea Pineda at Glaiza de Castro na pawang nasa cast ng fantaserye. More cast of the fantaserye will be joining the online event.
Bukod sa live event, may weekly roundtable discussions din sa Encantadia Sessions na mapapanood Monday and Thursday, 7:45 PM, sabay ng airing ng Encantadia sa official Facebook page ng show or log on to its official microsite.
(NITZ MIRALLES)