Coldplay copy

NAGLABAS ng video ang Bristish rock band na Coldplay na kinunan sa Mexico City para sa kanilang bagong single na A Heard Full of Dreams.

Nitong nakaraang Biyernes, inilabas ang video na nagdulot ng kaguluhan noong Abril sa kabisera ng Mexico nang malaman ng fans na nagsu-shooting ang banda sa sentrong lugar ng lungsod. Ang naturang awitin ang naging title track ng ikapitong studio album ng banda.

Pinaghalong street scenes na may kuha ng mga residente na nakatingin sa camera at mga miyembro ng banda na nasa kalsada at nasa BMX bicycles, hanggang nagtungo sila sa stage para sa concert habang nagsisigawan ang fans.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Nagto-tour ngayon ang Coldplay sa U.S at may weekend show sa Rose Bowl sa Los Angeles at may susunod ulit sa Setyembre 1 sa Las Vegas. (AP)