Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire nito sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), matapos magdeklara ng pitong araw na tigil-putukan ang rebeldeng grupo.
“I am pleased to announce that President Rodrigo Duterte has restored the effects of the unilateral ceasefire with the CPP/NPA/NDF effective 12 midnight tonight, 21 Agosto 2016,” ayon kay Presidential Adviser Jesus Dureza, bago tumulak sa Oslo, Norway para sa peace talk sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front (NDF).
Noong Biyernes, nagdeklara ng ceasefire ang CPP-NPA na magsisimula dakong 12:01 ng madaling araw ng August 21 at magtatapos dakong 11:59 ng hatinggabi ng Agosto 27.
Samantala sa panig ng pamahalaan, ang ceasefire ay ipatutupad hanggang maging matagumpay ang peace negotiations.
(Elena L. Aben)