Lalong umiinit ang word war ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng United Nations nang magbabala ang isang UN envoy nitong Huwebes sa Washington, na maaaring panagutin ang mga awtoridad sa daan-daang kontrobersyal na pagtugis sa mga sangkot sa droga.

Sinabi ni PNP chief Director General Ronald De la Rosa sa isang pagdinig ng Senado na mahigit 1,500 katao na ang namatay sa digma sa droga. Sa bilang na ito, 665 suspek sa droga ang napatay sa lehitimong operasyon ng pulisya habang 889 ang pinatay ng mga vigilante.

“Claims to fight illicit drug trade do not absolve the government from its international legal obligations and do not shield state actors or others from responsibility for illegal killings,” sabi ni UN Special Rapporteur on summary executions Agnes Callamard sa isang pahayag.

Inilabas ang babala isang araw matapos tawagin ni Duterte na “stupid” ang UN at nangakong ipagpapatuloy ang kanyang giyera kontra droga sa kabila ng dumaraming batikos, kabilang na mula kay mismong UN chief Ban Ki-moon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakasaad sa pahayag ng UN, ipinaskil sa website ng UN High Commissioner for Human Rights, na paulit-ulit na hinimok ni Duterte ang pulisya at ang publiko na patayin ang mga suspek sa droga, kasabay ng pangakong poprotektahan ang mga pulis sa prosekusyon.

“Directives of this nature are irresponsible in the extreme and amount to incitement to violence and killing, a crime under international law,” ani Callamard.

Sinabi naman ni UN Special Rapporteur on the right to health Dainius Pūras, na dapat igalang ang karapatang pantao ng bawat indibiduwal sa paglaban sa ilegal na droga. (Agence France-Presse)